Heart and soul behind the camera…

Tag Archives: Petrarchan Sonnet

Screen Shot 2014-07-18 at 12.23.18 PM

Sa Lapag, Aking Alumihit

sa panulat ni Michelle Samson

Pusong nabagabag, pagsamo’y habag.
Mali ko’y madalas, pagsisi’y dinanas
Samu’t saring dahas, kailan magwawakas?
Tinig ko ma’y basag, Ika’y yaring kalasag.
Tulungang sumalag sa mga paglabag
Utos Mo ang batas dahil Ika’y patas
Pag-ibig Mong wagas, pinakamataas
Ako’y nasa lapag, hanap ay liwanag.

At sa lahat-lahat, maraming salamat!
Luha’y di maimpit kahit nakapikit
Labi’y aking kagat – pagsubok, di salat.
Pag-ibig Mo’y higit sa’king alumpihit
Ang awa Mo’y sapat upang maging dapat
“Hawakang mahigpit…” aking alumihit.


This Petrarchan sonnet is originally written on my old blog on January 2011.
The photo is credited to Google.


%d bloggers like this: